Friday, 24 November 2017

Liliw Fanpage

Account

 

Ang munisipalidad ng Liliw ay nasa hilagang bahagi ng lalawigan ng Laguna. Ito ay napapaligiran ng bayan ng Sta.Cruz sa bandang Hilagang Kanluran   ( northwest) bayan naman ng Majayjay sa Hilagang Silangan (north east)  at sa kanlurang bahagi ay ang bayan ng Nagcarlan nasa timog nito ay matatanaw na ang bayan ng Dolores sa Quezon. Ang bayan ng Liliw ay may layo ng 17 km sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna at 110 km layo naman sa Maynila. 

Ito ay may kabubuang sukat na 5680 hektarya at binubuo ng 33 barangay na ang poblacion ay may sukat 23.32 hektarya . Ang kanayunan naman  ay may  sukat ng humigit kumulang sa 5,657.33 na ang malaking bahagi ay ginagamit sa pang agrikulturang kabuhayan.